NAALARMA ang pamilya ni Nora Aunor matapos madiskubre na may mga grupong gumagamit sa pangalan ng namayapang Superstar para manghingi ng pera o donasyon.
Sa pamamagitan ng Facebook, naglabas ng official statement ang anak ni Ate Guy na si Ian de Leon upang pabulaanan ang mga pekeng balita at representasyon gamit ang pangalan ng ina.
Paglilinaw ni Ian, wala silang binibigyan ng authorization na indibidwal, grupo o asasyon na manghingi ng donasyon para sa pumanaw na National Artist.
“Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa suporta ng aking pamilya, mga kaibigan, mga tagahanga at publiko.

“Taos-puso kong pinahahalagahan ang patuloy ninyong pagmamahal at paggunita sa aking ina, ang yumaong Ms.
Nora Aunor.
“Gayunpaman, nais ko pong magbigay ng isang mahalagang paglilinaw tungkol sa mga lumalabas sa social media na may kaugnayan sa aming ina,” simulang mensahe ng aktor.
Pagpapatuloy niya, “Para po sa kaalaman ng lahat wala po akong anumang kaugnayan o pakikilahok sa anumang pundasyon, organisasyon, o grupo na nagsasabing sila ay kumakatawan sa kanyang pangalan, imahe, o pamana.
“Dahil dito, hindi ko kinikilala, sinusuportahan, o pinahihintulutan ang anumang uri ng pangangalap o pagtanggap ng donasyon—salapi man o anumang bagay—mula sa alinmang grupo na may kaugnayan sa kanyang pangalan.
“Ang pahayag na ito ay inilalabas para sa kapakanan ng malinaw na impormasyon at upang mapangalagaan ang dignidad at pamana ng aming ina.
“Maraming salamat po sa inyong pag-unawa,” ang kabuuang pahayag ni Ian.
Your subscription could not be saved.
Please try again.
Your subscription has been successful.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera.
We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
