Pag-alis kay Bonoan bilang co-accused sa flood control case at gawing state witness, dedesisyunan na ng

Nakatakda nang desisyunan ng Sandiganbayan Second Division kung tuluyan nang aalisin bilang co-accused si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa flood control case at gawing state witness sa kaso laban kay Senador Jinggoy Estrada.

Mga Sikat na Quotation

Ito ay matapos makumpleto ng anti-graft court division ang oral argumenTS.

Ipinaliwanag ni Second Division chairperson Geraldine Econg na mayroong mga usapin na nangangailangan ng review para masigurong tama ang kanilang posisyon.

Nais din aniya nilang magbigay ng kumpletong resolution at gumawa ng kaukulang justification sa nabuo nilang desisyon sa kanilang pag-uusap.

Asst. Ombudsman: Bonoan as state witness can boost flood control case vs  Romualdez | ANC

Aniya, kung mapatutunayan ng korte na kailangang sundin ang pormal na proseso ng pag-abswelto o discharge process, kailangang bigyang-katuwiran ng mga prosecutor ang kanilang hakbang.

Dapat din aniya nilang patunayan sa korte na lubhang kailangan ang testimonya ni Bonoan at hindi siya “most guilty” sa mga sangkot.

Sa oras aniya na maayos ang mga usaping ito, matatapos na sila.

Sinabi rin ni Econg na “for resolution” na ang mosyon subalit hindi ito nagbigay ng eksaktong petsa kung kailan ito mareresolba.

Nag-ugat ang hakbang ng Ombudsman para gawing state witness ang 80 anyos na si Bonoan kasunod ng nilagdaang cooperation agreement para ma-secure ang malawak na kaalaman ng dating kalihim sa DPWH para mapalakas ang kaso ng prosekusyon.

Nagbunsod din sa naturang mosyon ang humihinang kalusugan ni Bonian dahilan kayat nananatili siyang naka-hospital arrest sa PNP General Hospital.

Nakabinbin din ang paarehong mosyon sa Fifth Division kung saan kapwa defendants sina Estrada at Bonoan.

See also  Isang matinding pagsisiwalat ang yumanig sa mundo ng lokal na showbiz matapos tuluyang mabuwag ang pader ng katahimikan ng ilang pinakasikat na aktor sa bansa. Mula sa mga matitinding tsismis at patagong panghuhusga hanggang sa mga mapangahas na pag-amin sa harap ng milyun-milyong Pilipino, alamin kung paano hinarap ng iyong mga paboritong matinee idol at tanyag na leading men ang mga malisyosong akusasyon at ang tunay na kuwento sa likod ng kanilang kontrobersyal na sekswalidad. Basahin ang buong kuwento at ang listahan ng mga artistang naglakas-loob magladlad sa comment section sa ibaba.

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© 2026 myphamqueenieskin | All rights reserved