Tiangco idiniin si Zaldy Co sa umano’y budget insertions

Ipinakita ni Navotas Rep.

Toby Tiangco ang umano’y mga budget insertions sa 2025 national budget mula sa listahan na ibinigay ni Congressman Jayjay Suarez.

Sa kanyang testimonya sa Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Tiangco na ang Ako Bicol at Barangay Health Workers party-lists na parehong konektado kay Congressman Zaldy Co, dating House appropriations committee, ay nakatanggap ng P2 billion pondo kahit na ang madalas ng makuhang budget ng party-list ay P100 million-P150 million.

Lumobo din ang budget ng Oriental and Occidental Mindoro sa mahigit P20 billion kahit na ang nakalagay sa NEP ay P2.5 billion, dahil sa mga insertions ni Zaldy Co.

Ayon kay Tiangco, hindi kayang ipasok ng mga congressman sa dalawang probinsya ang ganung kalaking budget sa kanilang distrito dahil sila ay mga first-termers.

Tiangco idiniin si Zaldy Co sa umano'y budget insertions | ABS-CBN News

Ipinakita din sa listahan ang mga budget insertions sa Abra, Camarines Norte at Batangas.

Ipinaliwanag din niya ang mga salitang “parking” at “sagasa” kung saan linalagay ang budget sa mga distrito sa Kongreso.

Aniya, ang “parking” ay nangyayari kapag pinakiusapan ang congressman na may ilalagay na pondo sa kanyang distrito.

Ang “sagasa” naman ay kapag may inilaan na pondo sa isang distrito kahit hindi alam o hindi payag ang congressman.

See also  La Verdad Que No Se Quema: El Hijo Borrado, Las Cenizas Apresuradas y La Oscura Herencia de Juan Gabriel

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© 2026 myphamqueenieskin | All rights reserved